Tuesday, April 1, 2014

Commute Buddy

Madalas kami nagsasabay ng classmate ko pag-uwi (lalo na pag wala masyado extra-curricular activities ng araw na yun).  Madaming beses na din ako mapaaway dahil sa kanya.

Sa bus may tatluhan at may dalawang upuan lang.  Since ang friendiva ko ay medyo chabyusa (FINE! Majubis talaga siya!) dun kami lagi sa tatluhan.  Dun siya sa may window side lagi nakaupo so ako ay mapunta sa dulo na ng upuan sa may aisle.

Kami: (borlog sa bus)

May mga dumating na bagong pasahero. May tumabi saaming babae kasi wala ng bakanteng upuan sa may harap. Eh since sa tatluhan naman kami nakaupo, so go lang.

Ate: Ano ba yan ang sikip?

Ako: (dinideadma ko nalang muna kasi antok ako)

Ate: (galaw ng galaw na parang kiti-kiti) Sikip.

Ako: (Nagpantig tenga ko) Ikaw, alam mo ng mataba tong katabi ko tapos dito ka pa sumiksik sa upuan namin?  Kung nasisikipan ka, dyan ka sa sahig umupo!

(Tahimik na si Ate. Lumipat sa harap namin kasi may bumaba na.)

Ako:  O eh di yan, ok ka na dyan sa upuan mo?  Sana naman matigil ka na sa kakadaldal mo. (Balik sa tulog)

Friend ko: (Tawa nang tawa)




Pagsabog ng Pimples

Ewan ko kung bakit pag nagkakapimples ako noong College, ang lalaki at ang dami pa! Minsan na din akong nahiya dahil sa pimples ko (pero hindi ko pinahalata).  Eto ang nangyari.

Ako ay certified MASA. MASAndal, tulog! Lagi akong tulog sa FX (papasok man o pauwi). Mas gusto rin umuupo sa likod katabi ng pinto (para may sandalan ang ulo ko pag natutulog).

Ako: (tulog sa fx, at may malaking pimples sa right cheek)

Ako: (Bang! Bang! - humahampas kasi ang ulo sa pinto ng FX)

Manong sa harap ko: (Ginising ako) Yung pisngi mo nagdudugo.

Ako: (nararamdaman ko ang pagtagas ng dugo at kumuha agad ng panyo para ipunas at takpan)

Sumabog pala ang pimple ko dahil sa pagkakahampas ng mukha ko sa pinto ng FX!! 

Ako: (to Manong) Salamat po. (tulog ulit para wala ng chance na makita ko reaksyon niya sa naganap!)