Madalas kami nagsasabay ng classmate ko pag-uwi (lalo na pag wala masyado extra-curricular activities ng araw na yun). Madaming beses na din ako mapaaway dahil sa kanya.
Sa bus may tatluhan at may dalawang upuan lang. Since ang friendiva ko ay medyo chabyusa (FINE! Majubis talaga siya!) dun kami lagi sa tatluhan. Dun siya sa may window side lagi nakaupo so ako ay mapunta sa dulo na ng upuan sa may aisle.
Kami: (borlog sa bus)
May mga dumating na bagong pasahero. May tumabi saaming babae kasi wala ng bakanteng upuan sa may harap. Eh since sa tatluhan naman kami nakaupo, so go lang.
Ate: Ano ba yan ang sikip?
Ako: (dinideadma ko nalang muna kasi antok ako)
Ate: (galaw ng galaw na parang kiti-kiti) Sikip.
Ako: (Nagpantig tenga ko) Ikaw, alam mo ng mataba tong katabi ko tapos dito ka pa sumiksik sa upuan namin? Kung nasisikipan ka, dyan ka sa sahig umupo!
(Tahimik na si Ate. Lumipat sa harap namin kasi may bumaba na.)
Ako: O eh di yan, ok ka na dyan sa upuan mo? Sana naman matigil ka na sa kakadaldal mo. (Balik sa tulog)
Friend ko: (Tawa nang tawa)